P-Duterte, nanguna sa 100 most influential people ng Time Magazine

Manila, Philippines – Nanguna si Pangulong RodrigoDuterte sa search for the most influential people ng Time Magazine.
 
Naungusan ni Duterte ng five percent ng boto ang iba pangmga nominado na kinabibilangan nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau,Pope Francis, Microsoft CEO Bill Gates at Facebook Founder Mark Zuckerberg.
 
Nagsimula noong March 24 ang Time Magazine poll para sanominasyon sa pamamagitan ng online voting.
 
Ang nasabing search category ay tinawag ng Time Magazine na“who should be on the 2017 time 100?”
 
Noong Disyembre ay napabilang ang pangalan ni Duterte sa“74 most powerful people in the world”.
 
Sa April 20, nakatakdang isapubliko ng time ang kabuuangdetalye para sa kanilang paghahanap sa most influential people of the year.
 

Facebook Comments