MANILA – Pinag-aaralan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-alis ng pilipinas bilang kasapi sa International Crimal Court (ICC).Sa kanyang departure speech sa Davao City, sinabi ni Duterte na hind niya gusto ang ginagawang paghihimasok ng ilang mga grupo sa kanyang kampanya kontra sa iligal na droga sa bansa.Kahapon, pormal nang kumalas ang Russia sa ICC makaraan silang akusahan ng pagsakop sa Crimea.Nauna nang sinabi ni ICC Chief Prosecutror Fatou Bensouda, na nababahala sila sa tila ay pagkunsinti ng pamahalaang Duterte sa mga kaso ng Extra Judicial Killings sa bansa.Ang ICC ang siyang dumidinig sa mga kasong kriminal na may kaugnayan sa giyera at iba pang international crimes na bigong maaksyunan ng gobyernong may sakop nito.Samantala, titiyakin ng Pangulo na makikinabang ang bansa sa biyahe nito sa lima, Peru para sa pagdalo sa APEC Summit kung saan nakatakda itong makipagkita kay Russian President Vladimir Putin.
P-Duterte, Pinag-Aaralan Na Ang Pagkalas Ng Pilipinas Sa International Criminal Court
Facebook Comments