P-Noy, itinangging nagpabaya ang kanyang administrasyon sa kampanya kontra droga

Manila, Philippines – Itinanggi ni dating Pangulong Noynoy Aquino na nagpabaya ang kanyang administrasyon kaya namayagpag ang iligal na droga sa bansa.

Ayon sa dating pangulo, sa katunayan base sa statistics ng Dangerous Drugs Board, bumaba ang mga gumagamit ng illegal drugs sa panahon niya.

Mula aniya sa 1.7 million na users ay bumama ito sa 1.3 million.


Sinabi pa ni Aquino na noong panahon nila, ang bilang ng drug users sa huling bahagi ng 2015 ay 1.8 million at sa huling bahagi ng 2016 ay 1.8 million pa rin na aniya ay tila walang nangyari.

Samantala, kinontra rin ni P-Noy ang planong pagbuwag sa Commission on Human Rights.

Ayon sa dating Pangulo, hangga’t hindi nakakamtan ng bansa ang perpektong lipunan ay kinakailangan ang CHR.
Sa usapin naman ng peacetalks sa CPP-NPA-NDF, pabor si P-Noy na ipagpatuloy ito subalit kailangan na magpakita aniya ng sinseridad ang maka-kaliwang grupo.

Facebook Comments