P10-B sa ilalim ng 2021 budget, inilaang pang-ayuda sa mga lubhang apektado ng pandemya

May 10 bilyong piso na inilaan ang Senado sa ilalim ng proposed 2021 national budget para sa Social Amelioration Program (SAP) na ayuda sa mga lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic tulad ng mga mahihirap at nawalan ng trabaho.

Ayon kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, nakapaloob ito sa regular na budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa susunod na taon.

Bukod dito ay pinaglaanan din ng Senado sa 2021 budget ng 102.7 billion pesos ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Pinondohan naman ng 15.8-billion pesos ang Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers o TUPAD Program.

Tinaas din ng Senado sa 21-billion pesos ang calamity fund para sa susunod na taon na nilaanan ng Malakanyang ng 16-billion pesos.

Habang pinondohan naman ng 15-billion pesos ang rehabilitation and reconstruction assistance program para sa LGUs.

Facebook Comments