Cauayan City, Isabela- Umabot sa milyon-milyon ang halaga ng marijuana plants na pinagsisira ng pinagsanib na pwersa ng Kalinga Police Provincial Office, RID/RPDEU PROCOR, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga, RIU 14, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) -Kalinga, at Naval Forces, Northern Luzon nitong May 4-5, 2021 sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Base sa report ng Kalinga PPO, nasa tatlong (3) marijuana plantation ang nadiskubre ng mga otoridad kung kaya’t kaagad itong sinira at sinunog.
Tumambad sa kanila ang kabuuang 5,500 square meters na lupain at umabot sa 55,000 fully grown marijuana ang kanilang sinira na tinatayang nagkakahalaga ng kabuuang P11 milyon.
Samantala, umabot na sa 13 marijuana eradication operations simula January 2021 ang isinagawa ng mga otoridad.
Patuloy naman ang magiging hakbang ng pulisya para matiyak na ligtas ang publiko sa laban sa ipinagbabawal na gamot.