Pamamahagi ng ECQ cash aid sa NCR Plus, 77.19% nang tapos

17

Nasa 77.19% nang tapos ng gobyerno ang pamamahagi ng ayuda sa NCR Plus bubble na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso.

Pinakamalapit nang matapos ang Laguna na nasa 90.28% na.

Sinundan ito ng Metro Manila (78.93%), Bulacan (76.99%), Rizal (68.41%) at Cavite (68.02%).


Sa loob ng NCR, nangunguna at malapit nang matapos sa pamamahagi ng ayuda ang Caloocan.

Samantala, may hanggang May 15 ang mga lokal na pamahalaan para tapusin ang pamamahagi ng ECQ cash aid.

Facebook Comments