Cauayan City, Isabela- Magtatayo ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Alicia ng bagong pampublikong palengke na nagkakahalaga ng tinatayang aabot sa 150 milyong piso.
Itatayo ang bagong public market sa Barangay Antonio, Alicia, Isabela.
Ayon kay Mayor Joel Amos Alejandro, ang pondong gagamitin sa itatayong pampublikong palengke ay inutang sa Land Bank of the Philippines (LBP) kung saan naniniwala ang alkalde na maraming negosyante ang mabebenepisyuhan nito maging ang buong munisipalidad ng Alicia.
Mas magiging maayos at komportable din aniya ang mga negosyante sa pagtitinda ng kanilang mga produkto maging ang mga mamimili sa magiging bagong palengke ng nasabing bayan.
Sinabi pa ni Mayor Alejandro na ang bagong public market ng Alicia ay isa sa inaasahang makapagpapalago sa ekonomiya ng munisipalidad ng Alicia.
Facebook Comments