P150-milyong halaga ng smuggled goods, nasabat ng BOC sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Aabot sa P150-milyong piso ang mga smuggled goods mula sa China na nasabat ng Bureau of Customs sa tatlong warehouse sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Customs-Intelligence and Investigation Service (CIIS), isinagawa ang operasyon matapos ng isang buwang surveillance sa mga nasabing warehouse sa loob ng Dagupan Center, sa 1331 Dagupan Street sa naturang lugar.

Nakuha rito ang iba’t ibang uri ng mga pekeng produkto na sinasabing puwedeng magkasya sa loob ng siyam na 40-ft na mga container van.


Ang mga produktong ito ay pinaniniwalaang dadalhin sa mga tindahan sa Divisoria.
DZXL558

Facebook Comments