P16.00 at P18.00 na daily minimum wage increase sa rehiyon dose, inaprobahan ng RTWPB 12.

May aasahang pagtaas sa sweldo ng mga empleyado sa pribadong sektor sa rehiyon dose sa darating na araw. Ito`y makaraang aprobahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB 12) ang P16.00 at P18.00 na daily minimum wage increase.
Batay sa inaprobahan na Wage Order No. 20 ng RTWPB 12 makakatanggap ng P18.00 na dagdag sa arawan na sweldo ang mga empleyado sa Agriculture/Retail/Service establishment at P16.00 naman para sa mga empleyado sa non-agriculture sector.
Ayon kay RTWPB 12 Secretary Jessie dela Cruz, inaprobahan nila ang panibagong wage increase matapos madetermina ng board na kailangan o may batayan ang increase sa sweldo ng mga empleyado upang masagot ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga ito dahil sa pagtaas na rin ng presyo ng mga bilihin.
Ngunit, ipinaliwanag ni Dela Cruz na i-review pa ng National Wages and Productivity Commission ang nasabing wage order bago ipublish sa local newspaper.
Mag-epektibo naman ang nasabing wage increase pagkatapos ng 15 araw na publication.
Kaugnay nito, ang panibagong daily minimum wage ng mga empleyado sa Non-Agriculture Sector sa rehiyon ang magiging P311.00 na at P 290.00 naman sa mga empleyado sa Agriculture/Retail at Service sector.

Facebook Comments