P2.040 billion supplemental budget para sa 2019-nCoV ARD, inihain na sa Kamara

Inihain ni House Committee on Health Chairman Angelina Tan at House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang supplemental budget para sa pagtugon sa 2019-novel coronavirus – Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD).

Sa House Bill 6166 na inihain ni Tan at House Bill 6177 na inihain ni Salceda, aabot sa P2.040 Billion ang inihaing supplemental budget na siyang tutugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino laban sa sakit.

Gagamitin ang pondo para sa pagbili ng protective equipment, surgical masks, pondo para sa repatriation ng mga Pilipino mula sa China at incentives para sa mga miyembro ng Epidemiology Bureau.


Paglilinaw ni Tan, ang P2.040 billion na supplemental budget ay walang pinag-iba sa inanusyo ni Pangulong Duterte na P2.25 Billion na pondo para sa nCoV.

Samantala, sinabi ni Salceda na kukunin ang pondo para sa nCoV mula sa National Treasury.

Facebook Comments