Aabot sa 48.7 milyong dolyar o 2.5 bilyong pisong halaga ng heroin ang nakumpiska ng mga otoridad sa United Kingdom.
Ayon sa National Crime Agency (NCA), binalot ng tuwalya at bathrobes ang heroin at saka ipinadala sa isang shipping container.
Patungo umanong Antwerp ang kargamento at nagsimulang maglayag sa bahagi ng Oman at may stop over sa iba pang mga lugar.
Ilang suspek naman na sangkot sa pagpupuslit ng droga ang nadakip ng mga otoridad.
Sinasabing isa ito sa pinakamalaking drug seizures sa United Kingdom.
Facebook Comments