P20/kilo na bigas, mabibili na ng mga vulnerable sector sa Bataan

Magkakaroon na nang mas madaling access sa murang bigas ang mga magsasaka at vulnerable sectors sa Bataan sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron Na” program ng administrasyong Marcos.

Layunin nitong patatagin ang seguridad sa pagkain at makatulong sa mga mamamayan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin, kung saan ibinibenta ang bigas sa P20 kada kilo.
 
Ayon sa National Food Authority (NFA) Pampanga, maaaring makinabang ang senior citizens, solo parents, PWDs, indigent households, rice farmers, fisherfolk, at mga tsuper mula Oktubre 27 hanggang Disyembre 2025 sa NFA Bataan Warehouse sa Balanga.

May limitasyon ang kada sektor, kabilang ang 30 kilos bawat buwan para sa vulnerable groups at 50 kilos para sa rice farmers at workers.

Facebook Comments