P20 million na “reward” para sa mahigit 800 na barangay na wala ng NPA, hindi cash o election fund ayon sa Anti-Insurgency Task Force

Nilinaw ngayon ng Duterte Administration Anti-Insurgency Task Force na hindi election fund o kaya cash ang P20 million na “reward” para sa mahigt 800 na barangay na wala ng bahid ng anumang miyembro ng makakaliwang grupo na New People’s Army (NPA).

Ayon kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr., hindi election fund o cash ang ibibigay kundi mga proyekto sa mga barangay para sa pagsisimula ng kanilang pamumuhay.

Sinabi rin ni Parlade na hindi rin ang militar ang magpapatupad nito kundi ang provincial government.


Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsimula na ang pamamahagi ng 20-M halaga ng proyekto tulad ng farm-to-market roads, health stations, patubig o water system at iba pa sa mga barangay na wala ng bahid ng NPA.

Ito’y kasabay ng pagpunta ng pangulo sa Cagayan de Oro para daluhan ang pulong ng NTF-ELCAC.

Mababatid na 822 na mga barangay sa buong bansa ang dating naimpluwensyahan ng makakaliwang grupo.

Facebook Comments