P20 Na Pamasahe Sa Cauayan City, Pansamantala Lang Ayon sa DPOS!

Cauayan City, Isabela – Nilinaw ni Department of Public Order and Safety (DPOS) Chief Pilarito Malillin na pansamantala lamang ang sinisingil ng mga tricycle drivers na 20 pesos sa mga pasahero sa lungsod ng Cauayan.

Ayon sa Hepe ng DPOS, mananatili ito habang nasa General Community Quarantine (GCQ) ang buong lalawigan ng Isabela.

Kasabat ng paglilinaw ay ang paalala sa mga drivers na kailangang gawing malumanay ang paniningil sa mga pasahero.


Dadag pa niya na 20 pesos na pamasahe ay para lang sa mga barangay na sakop ng Poblacion gaya ng mga barangay Tagaran, Turayong, San Fermin, District 1, 2 at 3.

Ito umano ay aprubado ng local na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan.

Pinayagan ito sa kondisyon na isa lang ang dapat na pasahero sa bawat tricycle upang mamintina ang social distancing.

Kinakailangan din na naka face mask ang mga drayber at pasahero.

Mahigpit pa rin ipapatupad ang number coding scheme sa Lungsod para mabawasan ang bilang ng mga tao sa labas at para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Samantala, nagbabala si Malillin na maaaring bawian ng lisensiya at prangkisa ang mga tricycle drivers na mapapatunayang lalabag sa mga umiiral na guidelines sa lungsod ng Cauayan, alinsunod pa rin sa umiiral na GCQ protocols.

Facebook Comments