P200-B, ilalaan para sa bagong batas na magpapapalakas sa livestock, poultry at dairy sectors sa bansa

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ilalaan ang 200 bilyong pisong halaga sa bagong naipasang batas na Republic Act 12308 o ang Animal Industry Development and Competetiveness Act (AIDCA) sa loob ng sampung taon.

Sa batas na ito, iaangat nito ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa linya ng ahensya ng DA kung saan palalawakin nito ang pangangasiwa sa mga regulasyon.

Papalakasin dito nito ang Philippine Carabao Center (PCC) at National Dairy Authority (NDA) kung saan palalawakin naman nito ang mandato ng nasabing mga ahensya, kabilang na rito ang biotechnology at ang vaccine development.

Dagdag pa nito, tutulong ang batas na ito para makagawa ng bakuna at protocol mula sa malalaking banta sa kalusugan ng hayop kagaya ng African Swine Fever (ASF), Newcastle Disease, at Avian Influenza pati na rin ang pagpapahusay ng pambansang bio-security.

Ayon naman Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., tanda ito ng pagbabago sa agrikultura ng Pilipinas kung saan palalakasin nito ang mga magsasaka, magbibigay proteksyon sa mga konsyumer at maghahanda ng sistema sa pagkain para sa kinabukasan.

Facebook Comments