
Wala pang depinidong petsa ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) kung kailan sisipot sa pagdinig ng ICI sina ex-Speaker Martin Romualdez at resigned Cong. Zaldy Co.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, wala pang update hinggil sa pagharap sa komisyon nina Romualdez at Co.
Samantala, muli namang haharap sa ICI hearing bukas, miyerkules, si dating Public Works Usec. Roberto bernando.
Aminado naman si Hosaka na wala pa silang malinaw na listahan ng mga sasampahan ng kaso dahil
nagpapatuloy pa ang case build up.
Noong nakaraang linggo, kinumpirma ni Hosaka na pinadalhan na ng ICI ng subpoena sina Romualdez at Co.
Facebook Comments









