Ombudsman Boying Remulla, nangako ng transparency at accountability matapos italaga sa bagong posisyon

Ito ang tiniyak ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla matapos na piliin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang kapalit ni Ombudsman Samuel Martires.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Remulla na magkakaroon ng mas bukas at transparent na Tanodbayan sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Nang tanungin naman kaugnay sa mga ipaprayoridad na kaso, uunahin daw muna ni Remulla ang isyu sa flood control anomaly.

Kasunod nito, pag-aaralan din daw nila ang committee report na inihain ng Kamara sa Office of the Ombudsman kaugnay sa isyu ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Sa Huwebes, nakatakda nang manumpa si Remulla habang inaasahang magsisimula na sa bagong tungkulin pagsapit ng Biyernes.

Magsisilbi namang acting Secretary ng DOJ si Undersecretary Fredderick Vida.

Ayon kay Remulla, may bilin din daw sa kanya si Pangulong Marcos Jr.

Facebook Comments