P200-M, inilaan ng DA para sa onion farmers

Naglaan na ang Department of Agriculture (DA) ng 200 million pesos para sa Onion Farmers’ Associations.

Ito upang maprotektahan ang mga ito mula sa pagmamanipula ng presyo ng mga traders kasabay ng pag-arangkada ng harvest season.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – batay sa ang Agricultural Credit Policy Council (ACPC), mananatili sa reefer vans ang onion produce ng mga magsasaka at ilalabas ito sa merkado kapag matatag na ang presyo.


Nabatid na sinuspinde ng DA ang pag-aangkat ng sibuyas dahil sa nakabinbing imbestigasyon sa umano’y cartel na nangmamanipula ng buying price ng commodity.

Facebook Comments