CHR, umaasa na iaatras ang kaso laban kay Lolo Narding

66

Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na iaatras ang kaso sa 80-anyos na lalaki na sinasabing nanguha ng nalaglag na mangga at madaan sa maayos na usapan.

Tinutukoy ng CHR dito ang kaso laban kay Leonardo Flores na naaresto noong Enero 13 sa umano’y sinasabing pagnanakaw ng mangga sa Asingan, Pangasinan.

Naaresto si Flores sa bisa ng warrant na inisyu noong Disyembre 20, 2021 na inisyu ni Sarah Marcos-Martin ng 7th Municipal Circuit Trial Courts (MCTC) ng Asingan-San Manuel.


Sinabi na nakapanguha si Flores ng 10 kilong mangga ngunit idinepensang ito ay kanyang tanim.

Facebook Comments