Saturday, November 14, 2026

P240 border fee sa mga lalabas ng bansa, pinasisilip ng isang senador

Ipinasisiyasat ni Senator Raffy Tulfo ang plano ng Bureau of Immigration na maningil ng P240 border fee sa bawat Pilipinong lalabas ng bansa kabilang ang mga OFWs.

Ayon kay Tulfo na Chairman ng Senate Committee on Migrant Workers, kailangan itong imbestigahan lalo’t dagdag gastos ito partikular sa halos dalawang milyong OFWs.

Sa Senate Resolution 772, nakasaad na maaaring maging salungat ang paniningil ng border sa mga special operations na ibinibigay ng batas sa mga OFWs at kanilang pamilya.

Matatandaang unang sinabi ng Bureau of Immigration na pinag-aaralan nila ang nasabing border fee para makalikom ng pondo para sa installation ng integrated border security platform sa 11 airport sa ibat ibang bahagi ng bansa na umanoy mangangailangan ng P10.7 billion.

Sa paunang konsultasyon, sinabi ni Tulfo na pina-e-exempt ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac ang mga OFWs sa ganitong border fee gaya ng exemption sa travel tax at terminal fees.

Facebook Comments