Saturday, November 14, 2026

Gobyerno, pinaglalatag ng mga hakbang para sa muling pagsigla ng ekonomiya

Nanawagan si Senate President Win Gatchalian sa pamahalaan na agad kumilos para pasiglahin ang ekonomiya ng bansa matapos ang pagbaba ng Gross Domestic Product (GDP) sa 2.1% sa ikatlong quarter ng taon.

Tinukoy ng Senate President na naging malaki ang epekto sa local productivity at sa ekonomiya ng bansa ang mataas na presyo ng enerhiya at matinding El Niño.

Iginiit ni Gatchalian na kailangang gumawa na ang gobyerno ng kongkretong hakbang para sa pagsigla ng takbo ng ekonomiya.

Bilang tugon, bibigyang-prayoridad ng Senado sa pamamagitan ng RISE Ad Hoc Committee ang mga hakbang na magpapalago sa ekonomiya.

Kabilang dito ang pagpapabilis sa paggasta ng pamahalaan, partikular sa mahahalagang proyektong pang-imprastraktura, gayundin ang pagbibigay-prayoridad sa mga social protection programs para sa mga sektor na higit na nangangailangan ng tulong.

Prayoridad din aniya ng Senado na pondohan ang mga line items sa panukalang budget na magkakaroon magandang epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga ordinaryong Pilipino na dumadanas ng mas mataas na presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments