P25.99 billion pension para sa uniformed personnel, inilabas na ng DBM

76
Photo Courtesy: Department of Budget and Management Facebook Page

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P25.99 bilyong pondo para sa regular pension ng Military at Uniformed Personnel (MUP).

Sa naturang pondo, P14.04 bilyon ang mapupunta sa Armed Forces of the Philippines (AFP), P10.64 bilyon para sa Philippine National Police (PNP), P941.78 milyon para sa Bureau of Fire Protection (BFP) at P367.16 milyon para sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).


Ayon sa DBM, ang naturang pondo ay inilagay sa Pension and Gratuity Fund (PGF) sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act.

Kinikilala anila ng DBM ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel para mapanatili ang kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments