Mismong si DA Secretary William Dar ang nagkaloob ng tulong sa Federation of Aritao Farmers Onion, Garlic and Ginger Growers Association (FAFOGGGA) sa barangay Nagcuartelan matapos dumalo siyang dumalo sa ‘Onion’ Festival.
Kabilang sa package assistance na natanggap ng mga magsasaka ang Cold Storage Facility, Multi-Purpose Shed, 6 Rain Shelters, 3 Pump and Engine Sets, 80 Plastic Crates, 92 Pallets, 1,000 Canisters ng Humi-K Acid at 3,740 Cans ng Onion Seeds.
Kaugnay nito, pinangunahan ng kalihim ang groundbreaking ceremony ng P10 milyong Aritao Agricultural Trading Center (AATC) sa barangay Banganan matapos paglaanan ng pondo sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022.
Inihayag ni Mayor Remelina Peros-Galam ang iba’t ibang tulong mula sa DA na higit na nagpapasigla sa pag-unlad ng ekonomiya ng kanilang munisipalidad bilang isa sa mga sentro ng paglago sa Nueva Vizcaya.
Tiyak umano na makakatulong ito na mapalawak ang kanilang mga produkto upang higit na kumita.