Cauayan City, Isabela- Matagumpay na nasira ang plantasyon ng marijuana sa loob lamang ng dalawang (2) araw sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Ito ay bahagi ng ‘Oplan 11 Lima Lawing’ (MJ Eradication Operation)ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng KPPO na kinabibilangan ng PIB/DEU,POMU Tinglayan MPS, RDEU PROCOR, RID PROCOR, Lubuagan MPS, Tanudan MPS, 1st at 2nd KPMFC, 1503rd RMFB15, PDEA Kalinga, at PDEA Region 2 sa pangunguna ni PLT Luis Bulao, Jr. at PCAPT Bede Dakiwas, ACOP Tinglayan MPS, sa pamumuno ni PNP Provincial Director PCOL Davy Vicente Limmong.
Batay sa intelligence report, napag alaman na tinatayang nasa 1,600 square meters na humigit kumulang 16,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P3.2 million pesos.
Agad din na pinagsusunog ang mga tanim na marijuana habang walang naabutan na nasa likod ng malawak taniman.
Pinuri naman ni Provincial Director PCOL Davy Vicente Limmong ang pwersa ng mga otoridad sa matagumpay na pagsira sa nasabing iligal na marijuana.
Aniya, magpapatuloy pa rin ang kampanya ng mga otoridad sa iba pang posibleng taniman ng marijuana hanggang manatili ang probinsya ng kahit anong usapin ng droga.