P3.3- M halaga ng iligal na droga, sinunog ng PDEA sa Camp Rafael Rodriguez, Butuan City

Sinunog ng PDEA Caraga ang mahigit sa 3.3 milyon pisong halaga ng shabu at mariwana sa Police Regional Office -13, Camp Rafael C. Rodriguez, Butuan City.

Ito po yong mga ebidensya sa mga kasong naisampa ng PDEA laban sa mga sangkot sa iligal na droga sa rehiyun sa taong 2012, 2013 at 2014 at nadesisyunan na sa magkaibang Regional Trial Courts sa Butuan City, Cabadbaran City, Agusa del Sur at Surigao del Sur.

Ayon kay PDEA Caraga Regional Director Aileen Lovitos maliban sa droga kasama sa mga sinunog kahapon ang mga drug paraphernalia at ito ay bahagi ng ika-15th Anniversary ng PDEA para maipakita sa taong bayan hindi titigil ang gobyerno sa “war on drugs.”


Sinasabing 90% sa mga kasong paglabag sa RA 9165 na napagdesisyunan ng korte ay konbiktado.
tag: RMN Networks,rmn news nationwide: the sound of the nation, DXBC 693, Straight to the Point, Sasie Babar, PDEA, Caraga

Facebook Comments