Tuesday, April 7, 2026

P3 milyong halaga na truck at mineral ores, nakumpiska sa Misamis Oriental

Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang white Elf Truck at 171 na sako ng mineral ores sa Brgy. Poblacion, Lugait, Misamis Oriental.

Kung saan naaresto ang isang 28 taong gulang na lalaking driver sa isinagawang checkpoint operation ng mga awtoridad.

Ito ay matapos na hindi makapagbigay ng kaukulang dokumento para sa nasabing mga minerals.

Tinataya namang nasa kabuuang P3 milyong ang halaga ng truck at ng mga nakumpiskang mineral ores.

Dahil dito ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 7942 o Philippine Mining Act of 1995 ang nasabing naarestong indibidwal .

Samantala, ang mga nakumpiskang mineral ores ay dinala naman sa MGB Regional Office 10 sa DENR Compound, Puntod, Cagayan de Oro City para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments