Posibleng umabot sa P30 billion kada linggo ang bumalik na pasahod sa gobyerno sakaling ibababa na sa Alert level 3 ang Metro Manila sa gitna ng epekto ng COVID-19.
Ito ang pagtataya ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na ibinatay ng pagsasaialim ng Metro Manila sa Alert level 4 kung saan nasa 10% hanggang 30% operating capacity lamang ang pinapayagan.
Ayon kay Lopez, magaganap ang pagtataya partikular na sa National Capital Region (NCR) na nasa ilalim ng bagong alert level system.
Sa ngayon, inaasahang mas maraming manggagawa ang makakabalik sa trabaho oras na ibababa na sa Alert Level 3 ang NCR.
Facebook Comments