Tatlong main service branches ng AFP, sabay-sabay na magsasagawa ng symbolic vaccination

30

Magsasagawa ng sabay-sabay na symbolic vaccination ang tatlong main service branches ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong araw.

Ito ay ang Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Airforce.


Itinakda nila ang symbolic vaccination mamayang alas-11:00 ng tanghali.

Sa media advisory na kanilang ipinadala, nakasaad na ang Philippine Army ay magsasagawa ng symbolic vaccination sa Headquarters ng Philippine Army Grandstand sa Fort Andres Bonifacio sa Taguig City.

Ang Philippine Air Force ay sa kanilang gymnasium sa Colonel Jesus Villamor Airbase sa Pasay City.

Ang Philippine Navy naman ay magsasagawa ng symbolic vaccination sa Jurado Hall, Marine Base Rudiardo Brown, Fort Bonifacio, Taguig City.



Samantala, sa General Headquarters Sa Camp General Emilio Aguinaldo Station Hospital naman sinabi ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo na pangungunahan ni Doctor Colonel Maria Shiela Jardiolin ang mga health services personnel para sa kanilang vaccination rollout.


Prayoridad na mabakunahan sa unang batch ng vaccine sa bansa ang sundalong medical health frontliners.

Facebook Comments