P306 million na Halaga ng Farm Machineries and Equipment, Ibinigay sa mga Magsasaka ng Isabela

Cauayan City, Isabela-Ipinasakamay ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ang P306.2 million na halaga ng machineries and equipment sa 170 Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) sa Isabela.

Kabilang ang 213 units partikular ang 46 units four-wheel tractors, 24 rice combine harvesters, 17 hand tractors, 12 recirculating dryers, 3 mobile rice mills at iba pang farm equipment gaya ng transplanters, mechanical threshers, floating thriller, PTO driven disc plow/harrow, multi-stage rice mill and DE stoner.

Inihayag naman ni PhilMech Director Baldwin Jallorina ang paghimok sa mga farmer-beneficiaries na alagaan ang mga kagamitan na ipinagkaloob upang magamit rin ng susunod na henerasyon.


Samantala, nangako naman si Gov. Rodito Albano III na maglalaan ng pondo ang Provincial Government para sa maintenance ay insurance sa naturang mga kagamitan para sa malawak na paggamit nito.

Nakiusap rin ang Gobernador kay PhilMech Director Jallorina na ikonsidera rin ang pangangailangan ng mga Farmers Irrigators Association partikular ang farm equipment gaya ng backhoe.

Pinuri naman ni Vice Gov. Faustino “Bojie” Dy III ang suporta ni Agriculture Secretary William Dar sa mga magsasaka ng Isabela.

Binigyang diin naman ni DA Regional Director Narciso Edillo na ang Isabela ang second contributor pagdating sa rice production sa bansa.

Facebook Comments