Mismong si Agrarian Reform Secretary Bernie F. Cruz ang nanguna sa pagbubukas ng naturang tulay kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa kalihim, malaki ang maitutulong ng tulay dahil gawa umano ang mga materyales tulad sa Eiffel Tower.
Samantala, ayon kay Cagayan Valley Regional Director Samuel S. Solomero, ang Pacac Metallic Bridge ay proyekto sa ilalim ng Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Agraryo o TPKP ng Department of Agrarian Reform katuwang sa pagpapatayo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Local Government Unit ng Allacapan at PGU ng Cagayan.
Nagkakahalaga naman ito ng P33.3 milyon na nagsimulang gawin noong Pebrero at natapos lamang noong Disyembre ng nakaraang taon kung saan may haba ang tulay na 34.2-linear meter na siyang nakapaloob sa agrarian reform community-PATASDA.