P4 billion kakailanganin ng NDRRMC para sa rehabilitation at recontruction projects sa mga lugar sa Mindanao na napinsala ng lindol

Mangangailangan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ng apat na bilyong pisong pondo para sa rehabilitation at reconstructions projects sa mga lugar na napinsala ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

 

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na humiling na sila ng tentative amount na P4 Billion sa cabinet meeting kagabi.

 

Aniya bagamat wala pang datos kung magkano ang halaga ng kabuoang pinsala ng lindol dahil nagsasagawa pa sila ng post disaster assessment, tantya ng NDRRMC aabot P4 Billion ang kailangang pondo.


 

Nanindigan naman ang opisyal na, kontrolado pa rin ang sitwasyon sa Mindanao at dumarating naman ang tulong para sa mga apektadong pamilya.

 

Batay sa huling update ng NDRRMC  50,930 families ang apektado ng lindol habang 36,006 na mga infrastrature ang nasira ng ng lindol.

Facebook Comments