Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang Bayanihan 3 o Bayanihan to Arise as One Act.
Sa viva voce o voice voting ay mabilis lamang na pinagbotohan at pinalusot ang House Bill 9411.
Sa ilalim ng Bayanihan 3 Bill ay ibinaba ang pondo sa P401 billion mula sa P405.6 billion.
Nakapaloob pa rin sa lifeline package ang P1,000 na “Ayuda for all Filipinos” na dalawang beses ibibigay na may pondong P216 billion.
Bago ang botohan, nagkaroon muna ng period of amendments at individual amendments.
Halos lahat naman ng panukalang amyenda ay hindi tinanggap nina House Committee on Economic Affairs Chairman Sharon Garin at Marikina Rep. Stella Quimbo.
Ang panukala ay magsisilbing lifeline measure para sa mga pamilya at industriyang apektado ng COVID-19 pandemic.
Ang panukala ay ini-akda ni House Speaker Lord Allan Velasco at sinuportahan ng higit sa 290 na mga kongresista.