P400-K HALAGA NG MARIJUANA, SINUNOG SA KALINGA

*Cauayan City, Isabela- *Binunot ng mga otoridad ang tinatayang aabot sa mahigit kumulang 2,000 na puno ng marijuana na natagpuan sa isang plantasyon sa Barangay Ngibat, Tinglayan, Kalinga.

Nagsanib pwersa ang Drug Enforcement Unit (DEU) – Kalinga Police Provincial Office, Tinglayan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit (PIU) – Kalinga PPO, Regional Intelligence Division (RID) – Police Regional Office Cordillera (PRO-COR), Regional Intelligence Unit (RIU) – 14, First at Second Kalinga Provincial Mobile Force Company (1st at 2nd KPMFC), Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 15, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga sa pagsira at pagsunog sa libo-libong nakatanim na marijuana.

Ang nadiskubreng plantasyon ay may lawak na 200 square meter kung saan nakatanim ang humigit kumulang 2 libong Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP).


Sabay-sabay rin na sinunog ng mga operatiba ang mga binunot na marijuana sa lugar.

Facebook Comments