P45-B, inilaan ng pamahalaan pambili ng booster shot

Aabot sa P45 billion ang pondong inilaan ng pamahalaan sa 2022 proposed national budget upang ipambili sa COVID-19 booster shots ng mga Pilipino.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nakapaloob ito sa unprogrammed appropriatirons ng pambansang pondo sa susunod na taon.

Aniya, hindi na isyu sa kasalukuyan ang booster shots dahil malinaw na mayroon nang nakalaang budget para dito.


Maaari aniya na bilhin ang mga booster shot na ito sa unang buwan pa lamang ng 2022 o maaari ring mas maagang bilhin ang mga bakuna kung talagang kakailangin.

Ayon sa kalihim, funded naman ng multilateral lending agencies ang mga bakuna kaya’t walang magiging problema kung mas maaga itong dapat na bilhin.

Facebook Comments