Aabot na sa P50 billion ang pondo na inilaan ng Land Bank of the Philippines (Land Bank) para sa mga negosyanteng naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Land Bank President at CEO Cecilia Borromeo, nananatiling nakatuon ang Interim Rehabilitation Support Cushion Unfavorably affected Enterprises by COVID-19 (I-RESCUE) Lending Program sa pagbibigay ng pinansyal na serbisyo lalo na sa mga negosyo gustong manatili sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa.
Ikalawang pagtaas na ito ng pondo sa ilalim ng I-RESCUE mula nang ilunsad ang programa nitong nakaraang taon.
Facebook Comments