MAYNILA – Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) sa pakikipagtulungan ng ride-hailing company na Grab Philippines ang #OneDestinationCampaign para hikayatin ang mga tao na bumoto at magkaroon ng kaalaman tungkol sa napapalapit na eleksyon. Pahayag ni Comelec Spokerperson James Jimenez, umaasa sila na sa pamamagitan ng programang ito, mahigit 80% registed voters ang lalahok sa botohan.
Magkakaloob ng P50.00 na discount ang transport company para sa mga botante ng Metro Manila at Metro Cebu na pupunta sa kanilang presinto sa Mayo 13.
Samantala, mayroon din 50% discount na ibibigay para sa mga botanteng mag-aavail ng GrabShare gamit rin ang nasabing code.
Sa ilalim ng proyektong ito, mamimigay ang ilang Grab drivers ng mga flyers na naglalaman ng voting process at stickers na mula sa COMELEC. Maari din makipagkwentuhan ang mga pasahero tungkol sa kanilang nalalaman sa halalan o sino ang napupusuang kandidato habang nasa biyahe papunta sa kanilang presinto.
Bukas ang mga polling precinct mula 6:00 A.M. hanggang 6:00 P.M.