
Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga naniningil ng processing fee kapalit ng ₱5,000 cash assistance para sa mga driver.
Sa gitna ito ng mga ulat na may ilang indibidwal na naniningil ng ₱500 bago ibigay ang ayuda.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, dapat agad i-report sa awtoridad ang sinumang maniningil ng bayad dahil walang dapat bayaran ang mga tsuper para matanggap ang ₱5,000 na tulong.
Ipinaliwanag ng kalihim na mga lokal na pamahalaan ang gumagawa ng listahan ng mga benepisyaryo, kung saan awtomatikong kasama ang mga driver na may lehitimong lisensya at permit para mag-operate.
Dagdag pa ni Gatchalian, driver’s license at photocopy lamang nito ang kailangan upang makuha ang P5,000 na cash assistance.










