Cauayan City, Isabela- Namahagi ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 sa mahigit 100 pamilyang benepisyaryo ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa (BP2) Program ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Ito ay sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS na programa ng pamahalaan na inimplementa naman ng DSWD.
Umabot sa 158 na pamilya mula sa iba’t-ibang bayan sa Isabela ang tumanggap ng halagang tig-P50,000.00 sa ilalim ng nasabing programa sa pangunguna ng Assistant Regional Director ng DSWD RO2 na si Ginoong Franco Lopez.
Ang naturang bilang ng mga pamilyang nabenipisyuhan ay galing sa mga bayan ng Aurora, Cabagan, Reina Mercedes at Sta Maria, Isabela.
Sa mensahe naman ni Assistant RD Lopez, hinikayat nito ang mga benepisyaryo na gamitin sa tama ang kanilang mga natanggap na tulong lalo na sa pagbangon ngayong panahon ng pandemya.
Facebook Comments