Mga College Students sa Alicia, Isabela, Binigyan ng Tulong Pinansyal

27
Cauayan City, Isabela- Nag-abot ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Alicia, Isabela sa mga College students na mula sa nasabing bayan.

Pinangunahan mismo ni Alicia Mayor Joel Amos Alejandro ang pag-abot ng cash aid para sa mga estudyanteng naka-enroll at nag-aaral sa kolehiyo sa pribado man o pampublikong paaralan.

Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay pinamagatang ‘Ayuda para sa mga Mag-aaral’ kung saan ay target na mabigyan ang tinatayang nasa 2,704 na College students.

Mula sa nasabing bilang, nabigyan na ng tig-P1,500.00 na cash aid ang nasa 900 college students at itutuloy pa rin ang pamamahagi ng nasabing tulong para sa iba pang nag-aaral sa kolehiyo.

Ayon kay Mayor Alejandro, inilunsad ang nasabing pamamahagi ng ayuda para matulungan ang mga estudyante sa kolehiyo sa kanilang mga gastusin lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments