P500-K, pabuya sa makapagtuturo sa suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Johnny Dayang

Mas pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang manhunt operation laban sa suspek sa brutal na pagpaslang sa mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang matapos positibong matukoy ang kanyang pagkakakilanlan.

Ayon sa Police Regional Office 6 (PRO-6), isang lalaking sangkot sa nakaraang kaso ng droga ang itinuturong salarin kung saan nahuli na ito noong Mayo 2021 sa buy-bust operation sa Pasig City dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasunod nito, nag-alok ng ₱500,000 na pabuya ang pamahalaang panlalawigan ng Aklan at local government unit (LGU) ng Kalibo sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek.

Ayon kay PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil handa na magsampa ng kaso ang mga awtoridad laban sa suspek, na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinutugis.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) para tiyaking makakamit ang hustisya.

Facebook Comments