P7 million na Ferrari sports car, winasak ng Bureau of Customs

Image via Bureau of Customs

Winasak ng Bureau of Customs ang isang Ferrari sports car na nagkakahalagang P7 milyon nitong Martes ng umaga.

Ayon kay Assistant Commissioner Vincent Maronilla, iligal na ipinasok sa bansa ang mamahaling sasakyan.

Aniya, mali ang deklarasyon ng Consignee mula sa Camama Autohub. Imbis na kotse ang kargamento, auto parts ang kanilang sinabi.


“When they declared it as auto parts, they are trying to have to slip it through Customs as semi-knockdown. Ang semi-knockdown kasi may pintura na, walang pinto, walang hood, walang mga upuan pero may gulong na,” paliwanag ni Maronilla.

Mas mainam umano kung dineklara nila itong semi-knock down at hindi auto parts.

Bago tuluyan naipuslit, tinanggalan muna ang sports car ng dalawang pinto at motor.

Sa pamamamagitan ng bulldozer, tuluyang nayupi at nawasak ang Ferrari sports car.

Kasabay nito, sinira din ng Customs ang isang cigarette-making machine at mga pekeng sigarilyo na umabot sa halagang P150 milyon.

Nakumpiska ang mga kontrabando noong Pebrero ng kasalukuyang taon sa lungsod ng Tacloban.

Facebook Comments