Mahigit P8 bilyon pondo ang matitipid ng pamahalaan kung hindi itutuloy ang Barangay Election sa Disyembre 2022.
Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, ikinokonsidera nila ang panukalang ipagpaliban ang barangay election dahil na rin sa kahilingan ng mga kapitan ng barangay.
Aniya, kung pagbibigyan ay ipapasa ang panukala ng mabilisan.
Paliwanag pa ni Romualdez, makakatipid ang gobyerno ng P8.141 bilyon sa pagpapaliban ng barangay polls na magagamit sa COVID-19 response at matulungan ang mga lubhang naapektuhan ng pandemya.
Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon, isang panukalang batas din ang inihain sa Kamara na layong ipagpaliban ang barangay elections sa Disyembre 2022 at Sangguniang Kabataan sa Mayo 2024.
Facebook Comments