Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay BFP Region 2 Director SSUPT. Rizalde Castro, makakatanggap rin ng firetrucks ang iba pang mga bayan at siyudad sa rehiyon bilang dagdag na kagamitan.
Aniya, huwag sanang magamit ang mga firetrucks sa insidente ng mga sunog ngunit tiniyak nito ang kahandaan ng kanilang hanay sa pagtugon sa insidente ng sunog.
Bahagi aniya ng Modernization Program ang pagkakaroon ng mga dagdag na bagong sasakyan ang mga BFP station sa buong bansa.
Sa ngayon, nananatiling prayoridad ng kanilang ahensya ang mabigyan ng mga firetrucks ang mga istasyon ng pamatay sunog sa bawat bayan na may kakulangan nito.
Nasa 1,000 gallons ng tubig ang lalamanin ng bagong modernong sasakyan na ipinagkaloob sa mga bayan ng Santa Maria, Dinapigue, at San Guillermo sa Isabela.
Napagkalooban rin ang mga bayan ng Baggao, Lasam, Sta. Praxedes at Peñablanca sa Cagayan;Quezon, Nueva Vizcaya.
Hinimok naman ni Castro ang publiko na isumbong sa anumang tanggapan ng BFP ang mga kawani ng pamatay sa sunog na mapapatunayang may pagkakamali upang mabigyan ng kaukulang disiplina.