Laban kontra droga ng Pasig-LGU, hindi tumitigil kahit may pandemya

Tiniyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto na patuloy ang laban kontra droga sa lungsod kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Mayor Vico, nananatiling aktibo ang community-based drug rehab program at drug testing sa mga gumagamit ng ilegal na droga.

Sa katunayan ayon kay Sotto, mayroon na rin umiikot sa lungsod na mobile drug testing clinic sa iba’t ibang barangay at para mapalakas ang paglaban sa COVID-19 ay isinabay na sa pag-iikot ng mobile drug testing clinic ang pagbabakuna at pagbibigay ng ayuda.


Binanggit ni Sotto na bukod dito ay mayroon ding family planning at sa susunod ay maaaring magkaroon na rin HIV screening.

Facebook Comments