Nailabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P9.02 billion na halaga ng special risk allowance (SRA) para sa mga medical workers sa buong bansa.
Ayon kay DBM Assistant Secretary Kim Robert de Leon, ini-release ng ahensya ang pondo sa Department of Health (DOH) noong June 25.
Sa ilalim nito, pagkakalooban ng hanggang P5,000 monthly allowance ang nasa higit 300,000 healthcare workers mula sa pampubliko at pribadong ospital na nag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19.
Sakop nito ang allowance ng mga healthcare workers mula December 2020 hanggang June 30, 2021.
Target na matapos ang pamamahagi ng SRA hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Samantala, ang pondo para sa allowances ng mga healthcare workers ay kinuha sa hindi nagamit na pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 Law o “Bayanihan to Recover as One Act” na nakatakdang mapaso sa June 30.