P9.6 billion na PhilHealth hospital payments, nakatulong sa pagpapalawak ng healthcare capacity – Galvez

Mas maraming COVID-19 beds ang nadagdag at tumaas nag healthcare capacity sa harap ng lockdown bunga ng ₱9.6 billion na payment ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga ospital sa NCR, Central Luzon at CALABARZON.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang pagbayad ng PhilHealth ay makakatulong sa expansion o pagpapalawak ng Intensive Care Unit (ICU) beds.

Nangako rin ang PhilHealth na magbibigay ng 30 ICU beds para sa critical patients at karagdagang 1,350 COVID-19 hospital beds para sa moderate, mild, at asymptomatic cases sa Quezon City, Taguig, Caloocan, Manila, Pasay, Valenzuela, San Juan, Navotas, Makati at Parañaque.


Ang pribadong sektor din aniya ay tutulong sa pagpapalawak ng healthcare capacity ng mga ospital kasabay ng vaccine rollout.

Facebook Comments