Nagpaalala ang Judicial and Bar Council (JBC) sa mga nagnanais mag-apply, magrekomenda o magnomina ng hukom sa mahigit 30 mababakante at bakanteng pwesto sa mga korte sa Mindanao.
Itinakda ng na hanggang alas 4:30 ng hapon.
Sa Agosto a-22 dakong alas kwatro y medya ng hapon ang deadline ng aplikasyon at pagsusumite ng mga requirement sa mga gustong maging hukom sa regional trial courts, at mga municipal trial courts sa Judicial Regions 9, 10, 11, at 12.
Partikular na magkakaroon ng mga bakanteng posisyon sa mga korte sa Basilan, Sulu, Tawi-tawi, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte.
Gayundin sa Agusan del Norte, Bukidnon, Dinagat, Misamis Oriental, Sarangani Province, South Cotabato at Surigao del Sur.
Kasama rin ang ilang circuit trial court at municipal trial courts sa Lanao del Norte, Lanao del Sur, North Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat.
Kabilang sa labing-pitong requirements na hinihingi ng JBC sa mga aplikante ang clearance mula sa NBI at Office of the Ombudsman.