PAALALA| Pulisya May Paalala Para Iwas Disgrasya

Pagpasok ng 2018 ay marami ng naitalang Vehicular Accidents ayon sa PNP Binmaley.

Ibat’t ibang sasakyan ang konektado sa aksidente sa kalsada, may mga pangunahing dahilan nito, “may mga nagmamaneho ng lasing, wala sa kondisyon ang kanilang mga sasakyan at ang karamihan ay mabilis magpatakbo” ayon kay Senior Police Officer 1 Duty Desk Officer Enrico C. Rosales.

Ayon Kay Jose driver “mahirap iwasan ang aksidente kaya mas magandang mag ingat mabuti, para rin naman sa kapakanan yun.”


May ilang Paalala ang Pulisya para maiwasan ang Vehicular Accident,
· Magsuot ng Helmet
· Siguraduhing nasa maayos ng lagay ang mga sasakyan
· Huwag magmaneho ng lasing
· Iwasang mag over take

Ulat ni Maureen Joyce Garcia

Facebook Comments