Paaralan na Ginamit sa Eleksyon, Nahirapan Linisin!

Cauayan City, Isabela – Tambak parin ang mga basura sa bungad at likuran ng South Central School ng Cauayan City dahil sa nakalipas na Barangay at SK Election kahapon. Ito ang naging pahayag ni Dr. Liwliwa Calpo, principal ng South Central School sa panayam ng RMN Cauayan.

Aniya sa harapan lamang ang nilinis ng mga street sweepers ng lungsod at sa loob ay unti-unting nililinis na lamang ang napakaraming basura ng kanilang janitor kung saan karamihan umano ay mga papel, pinag-inuman at kinainan.

Sinabi pa ni Doctora Calpo na mas lalong lilinisin na lamang ng husto ang kanilang paaralan sa isasagawang brigada eskwela sa darating na May 28 hanggang June 2, 2018.


Matatandaan na ginamit ang nasabing paaralan para sa mga botante ng
District I at District II sa ginanap na barangay at SK Election kahapon.

Facebook Comments