Paaralan sa Capiz, binulabog ng bomb threat

Patuloy ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa bomb threat na bumulabog sa isang paaralan sa bayan ng Ivisan, Capiz nitong Lunes ng umaga, Disyembre 1.
 
Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Roxas News Team, may isang grupo umano ng estudyante na nakakita ng isang papel na may nakaimprintang mga salita na nagpapahiwatig na may iniwang bomba sa naturang paaralan.
 
Partikular umano itong inilagay sa kisame sa 4-storey building, SHS building, at Grade 7 at 8 building ng Ivisan National High School.
 
Kaagad namang pinalabas ang mga estudyante at sinuspinde ang pasok sa naturang paaralan.
 
Sa ngayon, nakatuon ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang pangyayari at sinisigurong mananagot ang responsable sa naturang pagbabanta.

Facebook Comments